NAIS ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at 2nd Dist. Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na sumailalim muna sa drug test ang lahat ng actors, actresses at pang celebrities bago sila payagang sumabak sa alinmang movie, television at iba pang showbiz projects.
Ginawa ng Surigao del Norte solon ang panawagan kasunod ng pagkakasakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kay Dominic Roco at apat na iba pa sa isang buy-bust operation noong Sabado ng madaling araw.
Ayon kay Barbers, ang pagkakadakip kay Roco ay hindi ang unang pagkakataon at nakalulungkot isipin, na mayroong celebrity na nadawit sa usapin ng ilegal na droga.
“During President Rodrigo Duterte’s anti-drug war that started in 2016, there were at least eight celebrities who were arrested for alleged involvement in illegal drugs. The list includes actor Mark Anthony Fernandez, starlet Krista Miller, former sexy actress Sabrina M, radio disk jockey Karen Bordador and boyfriend Emilio Lim. The others include former child star CJ Ramos, together with alleged drug pusher Louella Gilen; Fliptop rapper Zaito, and actor Julio Diaz,” paglalahad pa ni Barbers.
Mariing sinabi ng House panel chairman na “actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth.”
“They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs,” dugtong pa niya.
Kaya naman hinimok niya ang lahat ng Filipino movie production outfits, directors at maging ang talent agents na ipasailalim muna sa drug test ang mga artista bago nila kunin ang professional service ng mga ito.
Nilinaw naman ni Barbers na alam niya na halos lahat ng mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng ilegal na droga subalit mayroon din naman na mga naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal drugs.
“Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula,” giit pa ng mambabatas. ROMER R. BUTUYAN