(Iginiit sa LTO)PAPEL NA DRIVER’S LICENSE AKSAYA LANG SA PONDO

DRIVER’S LICENSE

UMAPELA si AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na huwag nang ituloy ang pag-iisyu ng temporay driver’s license, na naka-print lamang sa papel.

Pagbibigay-diin ng mambabatas, isa lamang itong pag-aaksaya ng pondo dahil dagdag-gastos lamang at hindi naman maituturing na tamang solusyon sa napipintong kakapusan sa suplay ng plastic card ng naturang ahensiya.

“Huwag nang magsayang ng pera,” sabi pa ni Lee.

“The official receipt should be enough. Huwag na nating dagdagan ang gastos at mag-print pa ng temporary driver’s license na naka-print sa papel lang,” dagdag pa niya.

Paggigiit ng AGRI party-list lawmaker, “hindi unli ang pera ng pamahalaan at ang pag-iisyu ng temporary licenses ay pag-aaksaya lamang ng pondo.”

“Masasayang lang ang milyon-milyong papel, ink, koryente at effort sa pag-print ng mga ito,” ani Lee kung saan nagpaalala rin siya sa lahat ng ahensiya ng panahalaan na huwag magwaldas ng pondo.

“This is a call not only for the LTO, but for all card-issuing agencies as well. Kung kaya naman nang patunayan ng official receipt, huwag na tayo gumawa ng temporary card,” ang mungkahi pa ng kongresista na tubong-Sorsogon.

“Mas maigi pa na kumilos tayo agad para mapunan ang pangangailangan. Winner tayoNG lahat kung makakatipid ang pamahalaan at makakaiwas sa ‘di mahalagang gastos, dahil magagamit ang pondo sa mas makabuluhang bagay na para sa kapakanan ng mamamayan.”

ROMER R. BUTUYAN