(Iginiit sa paglobo ng mga walang trabaho) AYUDA SA WORKERS

Risa Hontiveros

DISMAYADO ang isang senador sa patuloy na paglobo  ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

“Apat na milyong Filipino ang walang trabaho noong Enero, pero higit pa rito ang naapektuhan at naitulak sa kahirapan. Dahil ang apat na milyong ito, may nanay, tatay, kapatid, anak at pamilyang sa kanila ay umaasa,” sabi ni Sen. Risa Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, nadidismaya siya sa mga economic manager ng pamahalaan dahil sa halip na matugunan ang problema sa unemployment ay mas lumala pa ito kumpara noong ­Oktubre  2020.

“Ang tanging solusyon nila ay ang madaliang buksan ang ekonomiya by relaxing mobility restrictions. Pero paano ngayong tumataas pa ang COVID-19 cases at pasimula pa lang ang rollout ng bakuna? ” sabi ni Hontiveros

Matagal na, aniya, niyang iginigiit ang pagbibigay ng ayuda sa mga manggagawa

“Noon pa man, ipinanawagan na nating bigyang-prayoridad ang service contracting, ayuda para sa pagbabalik-trabahong ligtas, budget para sa agrikultura, at digital skills at connectivity, so more people can work and transact  from home, so foreign economic demand for business process outsourcing type jobs can be tapped now that the domestic economy isn’t about to take off,” ayon pa sa senadora.

Binigyang-diin niya na kung ipagwawalang-bahala ito ay mas marami pang Pinoy ang magugutom dahil sa kawalan ng trabaho.

“Huwag nating hayaang mas maraming Pinoy pa ang ‘magbakasyon’ sa mga susunod na buwan.” dagdag pa niya. LIZA SORIANO

Comments are closed.