(Ihihirit ng transport group) P1 PROVISIONAL FARE HIKE SA JEEPNEYS

JEEPNEY-4

NAKATAKDANG maghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Martes ang isang transport group para sa dagdag-pasahe sa jeepneys.

Sa panayam sa Super Radyo dzBB, sinabi ni Pasang Masda president Obet Martin na hihiling sila ng provisional increase na piso sa harap na rin ng patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

“’Yung 1.00 peso [na hirit na taas-pasahe] ay provisional increase,” sabi ni Martin.

“Kapag nag-normalize na ang [presyo ng] petroleum products, ire-recall din ang pisong provisional increase,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang Martes, Agosto 15, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.90, diesel ng P1.50, at kerosene ng P2.50, at namumurong muling sumirit sa susunod na linggo.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agos- to 15, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P13.40 kada litro, diesel ng P8.60, at kerosene ng P5.14 kada litro.