(Ihihirit sa Kamara) WAGE HIKE SA NURSE NOW NA

Government nurses

PLANO ng isang mamba­ batas na maghain ng resolusyon para isulong ang umento sa sahod ng mga nurse sa bansa.

Sa isang privilege speech, sinabi ni House Minority Leader Joseph Paduano na sukdulan na ang pag-bubuwis ng buhay ng mga nurse sa bansa lalo na ngayong may pandemya.

Dahil dito ay naungkat niya ang DBM budget circular na layong ipatupad ang batas para sa nararapat at katanggap-tanggap na sahod para sa mga nurse alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.

Paliwanang ni Paduano, dalawang dekada na ang edad ng Philippine Nursing Act na nagtatakda ng sal-ary grade 15 o ka-tumbas ng 32,000 kada buwan na sahod dapat ng isang entry level ng mga nurse sa pampublikong pagamutan.

Pero sa ngayon, ayon kay Paduano, hindi pa rin ito naipatutupad dahil nakasaad sa re-classification ng naturang kautusan na hindi gagalawin ang suweldo ng ibang nurse pero matatamaan ang kanilang kasalukuyang posisyon.

Ibig sabihin, ang nurse 2 na tumatanggap noon ng salary grade 15 ay balik bilang nurse 1.

Giit ni Paduano, malinaw itong demotion sa hanay ng naturang health workers.

Sa huli, binigyang-diin ni Paduano na sa kanyang ihahaing resolusyon, lalamanin nito ang pagsasagawa ng mabusising pag-aaral at imbestigasyon sa naturang kautusan. DWIZ 882

One thought on “(Ihihirit sa Kamara) WAGE HIKE SA NURSE NOW NA”

Comments are closed.