(Ihihirit sa LTFRB) P7 DAGDAG-PASAHE SA BUS

PINAG-AARALAN na ng grupo ng Bus Operators sa Pilipinas na maghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa taas-pasahe.

Kasunod ito ng isa na namang malakihang dagdag sa presyo ng petrolyo na epektibo kahapon.

Ayon kay Juliette De Jesus, Internal Affairs Officer ng Mega Manila Consortium Corporation, P7 ang posibleng ihirit nilang dagdag-pasahe para sa unang limang kilometro, habang P2.30 sa kada susunod na kilometro.

Bukod sa bus, plano rin ng mga jeepney operator na hilingin sa LTFRB ang pisong provisional increase na ibinasura noon matapos maaprubahan ang fuel subsidy.

Sa ngayon, naghain na rin ng petisyon ang Western Visayas Transport Cooperatives para sa P6 dagdag-pasahe sa mga jeepney sa kanilang lalawigan.

– DWIZ 882