(Iimbestigahan ng Kamara) PAGBAHA NG SMUGGLED VEGETABLES

PINASISIYASAT ng Makabayan Bloc sa Kamara ang paglaganap ng smuggled na carrots at iba pang gulay sa mga lokal na pamilihan.

Sa House Bill 2263 na inihain ng anim na kongresista ng Makabayan, inaatasan ang House Committee on Agriculture and Food na silipin ang pagbaha sa merkado ng mga smuggled na gulay, partikular sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro.

Ang paglaganap ng smuggled na gulay sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nakaaapekto na sa kabuhayan ng mga magsasaka at mga nagtitinda ng locally produced na gulay.

Nitong Agosto ay inireklamo ng mga samahan at mga kooperatiba ng mga maggugulay sa bansa ang pagpasok ng mga smuggled na gulay.

Ang smuggled carrots mula China na idini-deliver sa Carbon Market sa Cebu City ay ibinebenta ng P50 kada kilo habang ang “hot cabbages” na itinitinda sa Divisoria ay nasa P70 per kilo na mas mura kumpara sa P115 hanggang P125 kada kilo mula sa Benguet.

May mga napaulat din na maliliit na warehouses sa Divisoria kung saan umano iniimbak ang mga imported na smuggled na gulay at inilalabas lamang sa mga palengke kapag tumaas ang presyo ng gulay mula sa Benguet.

Nakasaad din sa resolusyon ang hiling ng ilang grupo na papanagutin ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) dahil nasa mandato ng naturang mga ahensiya ang pagpigil na makapasok sa bansa ang mga smuggled na produktong pang-agrikultura. CONDE BATAC

5 thoughts on “(Iimbestigahan ng Kamara) PAGBAHA NG SMUGGLED VEGETABLES”

  1. 413028 141101Can I just say what a relief to search out somebody who really is aware of what theyre speaking about on the internet. You undoubtedly know how to deliver a problem to light and make it important. Extra folks require to learn this and perceive this facet of the story. I cant consider youre no a lot more common because you positively have the gift. 939712

Leave a Reply

Your email address will not be published.