IISANG FORMAT NG COVID-19 VACCINATION CERTIFICATION ILALABAS

MAGKAKAROON ang bansa ng iisang format para sa mga COVID-19 vaccination certificate.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, may prescribed format para sa COVID-19 vaccination certificate.

Inaayos na lamang aniya ito ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bago tuluyang ilabas at ipagamit sa mga mamamayan.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangako ang DICT na aayusin ang sistema para sa vaccination certificate sa lalong madaling panahon.

Aniya, ito ay digitized na o may application na gagamit ng QR codes.

Layunin aniya nito na ma-harmonize ang pag-iisyu ng vaccination certificate, at matiyak na magiging tamper-proof ito o hindi mapepeke ang sertipikasyon.

Habang hindi pa naman ito naisasakatuparan, nakikiusap si Vergeire sa mga lokal na pamahalaan na mag-isyu ng maayos na vaccination certificates o cards na hindi mapepeke o masisira kaagad, habang naghihintay ng sistema mula sa DICT.

Matatandaang sa kasalukuyan ay gumagamit ang mga lokal na pamahalaan ng kani-kaniyang hitsura ng vaccination certificates o cards na iniisyu sa mga nababakunahan na kontra COVID-19. Ana Rosario Hernandez

71 thoughts on “IISANG FORMAT NG COVID-19 VACCINATION CERTIFICATION ILALABAS”

  1. 757534 192954This is going to be a terrific internet web site, will you be involved in performing an interview regarding how you developed it? If so e-mail me! 389741

Comments are closed.