GINUGUNITA ng Commission on Human Rights (CHR) ang ika 13 taon ng Maguindanao Massacre kahapon.
Sa kanilang statement, patuloy pa rin silang nananawagan para sa ganap na hustisya sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Anila, marami pang akusado ang nakakalaya pa at iilan lamang ang naaresto ng maglabas ng guilty verdict ang korte noong 2019 laban sa ilang miyembro ng Ampatuan clan .
Ayon sa CHR, ang kasong ito ay isang patuloy na paalala upang matiyak na mananaig ang hustisya sa pamamagitan ng pagpapanagot sa bawat may kasalanan sa krimen.
Umaasa ang CHR, na ang paggunita nito ay makatutulong upang maisulong ng Estado ang pagresolba sa lahat ng kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao nang madalian.
“We hope that this day of remembrance help to propel the State in resolving all cases of human rights violations with urgency; in heightening protection for journalists and creating a conducive environment for press freedom and free speech; and, in inculcating to all government institutions their obligation to protect the rights of every Filipino,” batay sa inilabas na pahayag ng CHR.
Magugunitang 58 katao ang brutal na pinaslang sa Maguindanao at 32 dito ay mga mamamahayag na may 13 taon na ang nakalilipas. EVELYN GARCIA