TINUKOY ni Public Attorneys Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na pumalo na sa 160 ang bilang ng mga nasawi na naipasailalim sa awtopsiya matapos na maturukan ng Dengvaxia vaccine.
Sa panayam.ng Pilipino MIRROR, sinabi ni Acosta na ang biktima ay kinilalang si Crisa Mae Porcia ng Barangay. Mambugan, Antipolo City, Rizal.
Si Crisa Mae ay naturukan noong 2016, 2017 at 2018 sa kanilang paaralan sa Spring Valley Elementary School ng hindi naabisuhan ang magulang.
Nabatid na nitong Disyembre 5 ay isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktima at pagsapit ng Disyembre 8 ay binawian na ito ng buhay.
Ayon sa inang si Annabelle Porcia, bago pa man masawi ang kanyang anak ay nakitaan nila ito ng pagdurugo sa gilagid, at paninikip ng dibdib.
Kinumpirma naman ni PAO Forensic Laboratory Division chief Dr. Erwin Erfe na Dengvaxia ang dahilan ng pagkakasawi ng bata matapos lumabas sa kanilang forensic report sa isinagawang autopsy sa Heaven’s Gate Parks & Chapel sa Antipolo na nagkaroon ng pamamaga ng organs, pagdurugo ng utak at iba pa sa biktima na nagpapakita na mayroong pattern sa mga nagdaang biktimang kanilang sinuri.
Samantala, nagpadala muli ng liham sa ikatlong pagkakataon si Acosta kay Pangulong Duterte upang hilingin na i-veto ang isiningit sa 2021 General Ap-propriations Act (GAA) kung saan tinatanggalan ng pondo ang PAO Forensic Laboratory Division.
Iginiit ni Acosta na unconstitutional, ilegal, labag sa batas ang insertion, labag sa Civil Service Commission at isang panggigipit lamang ito sa pamunuan ng PAO. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.