IKA-17 PANALO KINUBRA NG CAVS

UMISKOR sina Donovan Mitchell at reserve Ty Jerome ng tig-26 points upang pangunahan ang NBA-best Cleveland Cavaliers sa 122-108 panalo laban sa Toronto.

Nagdagdag si Jarrett Allen ng 23 points at 13 rebounds para sa Cavaliers, na umangat sa 17-1 sa the season, habang nagtala sina Gradey Dick at Scottie Barnes ng tig-18 upang pangunahan ang Raptors.

Sinimulan ng Cavaliers ang kampanya sa 15-0 bago natalo, 120-117, sa Boston noong nakaraang Martes, subalit bumawi ang Cleveland upang pataubin ang New Orleans sa sumunod na gabi at nanatiling mainit kontra Toronto, at umangat sa 10-0 sa home.

“It’s a special place to play and we feel it on the court,” sabi ni Mitchell. “It’s always loud when we play. It’s always comfortable coming back here and knowing we’re going to get a loud ovation every time.”

Sa Boston, nagbuhos si Jaylen Brown ng 29 points at nagdagdag si Jayson Tatum ng 26 upang pangunahan ang reigning champion Celtics kontra Minnesota Timberwolves, 107-105.

“It was a great effort on both ends of the court,” ani Celtics coach Joe Mazzulla.

Umangat ang Celtics sa 14-3, sa likod ng Cleveland, at nahila ang kanilang win streak sa limang laro.

Sa Miami, tumabo si Jimmy Butler ng 33 points, kumalawit ng 9 rebounds at nagbigay ng 6 assists upang pamunuan ang Miami Heat kontra Dallas, 123-118, sa overtime.