ISINAMPA na sa Department of Justice (DOJ) ng Public Attorney’s Office ang ika-tatlumpung kaso na may kaugnayan sa pagturok ng Dengvaxia vaccine.
Nag-ugat ang kaso sa pagkamatay ng 12-anyos na si Kristel Jean Magtira ng Candaba, Pampanga.
Lumalabas sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor na aneurism ang sanhi o pagputok ng ugat sa ulo ni Kristel.
Ayon naman sa pathologist ng PAO na si Dr. Erwin Erfe, ang nasuri nila sa utak ni Kristel ang isa sa matinding kaso ng internal bleeding o pagdurugo na nakita nila sa mga biktima ng Dengvaxia.
Ayon sa PAO, pare-pareho ang diagnosis sa mga unang biktima at iyon ay ang pagdurugo ng kanilang mga internal organs.
Matatandaan na sinampahan na ng kasong kriminal sa DOJ ang 35 tao, kabilang ang mga dati at kasulukuyang opisyal ng DOH kaugnay sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Kabilang sa mga kinasuhan sina dating Health Secretary Janette Garin, ilan pang opisyal ng DOH, at mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma Corporation.
Comments are closed.