IKA-37 ROTARY CLUB OF MANILA WEEKLY MEETING MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

MATAGUMPAY  na naidaos ang ika-37 lingguhang pagpupulong ng mga miyembro ng Rotary Club of Manila sa Citystate Tower sa Maynila kamakalawa.

Nagsimula ang nasabing pagpupulong sa call to order na pinangunahan ni RCM Vice President Reginald Yu.
Sinundan ng pambungad na panalangin sa pangunguna ni RTN Rami Chawhan, rotarian pledge at 4 way test sa pangunguna ni PAS Henry Go at ng mensahe ng Presidente ng samahan na si Herminio Esguerra.

Habang naging highlight naman ng naturang pagpupulong ang classification talk sa pangunguna ni Aliw Broadcasting Corporation Chairman at Star Rotary Club Manila Member D. Edgard Cabangon.
Ibinahagi ni Cabangon ang karanasan noong siya ay working student at naging gasoline boy at ang paggabay sa kanya ng pumanaw na amang si dating Ambassador Antonio Cabangon Chua sa larangan ng negosyo at sa buhay.

Ibinahagi rin ni Mr. Cabangon ang kanyang pinagdaanan noon bago makamit ang mga tagumpay sa kanilang negosyo na nagsilbing inspirasyon sa mga miyembro ng Rotary Club Manila.

Sa katunayan ayon kay RCM Past President and Chairman Guidance Management Corporation Joaquin Jackie Rodriguez, nakaka-inspire at makabuluhan ang naganap na pagpupulong.

Habang ibinida naman ni RCM VP Yu ang mga proyekto ng RCM gaya na lamang ng Pasig River Clean up drive at pagkakaloob ng samahan ng floating trash barriers. Agustina Nolasco- Reporter DWIZ 882