CAMP CRAME – WALANG basehan para sa Philippine National Police (PNP) ang report ng Armed Conflict Location and Event Data Project (ACLED) na pang-apat ang Filipinas sa buong mundo na pinakadelikado para sa mga sibilyan dahil sa mga karahasang may kinalaman sa war on drugs ng pamahalaan.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, posibleng mga Filipino rin ang naninira sa kanilang mga kababayan para mapaniwalang magulo sa Filipinas, dahil maaari aniyang ayaw lang sa gobyerno ng mga naninira kaya ginagawa ito o ano pa mang dahilan.
Sa katunayan, ipinahayag ni Albayalde na pang-24 ang Filipinas sa buong mundo na pinakaligtas para manirahan at magnegosyo.
Kaya hinahamon ni Albayalde ang mga naninirang ito na manirahan sa Filipinas para malaman na payapa sa bansa. REA SARMIENTO