IKA-4 NA SEAG GOLD TUTUMBUKIN NI AMIT

Rubilen Amit

MATAPOS na manalo sa tatlong Southeast Asian Games na ginawa sa Singapore, Malaysia at Filipinas,  puntirya ni Rubilyn Ami ang ika-4 na ginto sa 2021 edition sa Vietnam at determinado ang Cebuana billiard queen na panatilihin ang kanyang win-ning streak.

“I am serious and determined to win and preserve my unblemished record in Vietnam. Hindi ako makakapayag na matalo. Kailangang paghandaan ko para may laban at muling makapagbigay ng karangalan sa bansa,” sabi ni Amit.

Nanalo si Amit ng ginto sa 10-ball sa nakaraang SEA Games na ginanap sa Pinas makaraang maungusan ang taga-Thailand na kala-ban, 7-5.

“Hindi naman ako nagpapabaya. Matapos itong krisis ipagpapatuloy ko ang aking ensayo para handa sa oras ng laban,” wika ni Amit.

“Tumaas ang aking morale at fighting spirit sa panalo ko sa nakaraang  SEA Games. Pupunta ako sa Vietnam in fighting mode. Ga-gawin ko ang lahat at gagamitin ang malawak kong karanasan para manalo,” dagdag ni Amit.

Inamin ni Amit na ma­lakas ang kanyang mga kalaban at ang mga Vietnamese ay lamang dahil nasa kanila ang bentahe bilang host.

Consistent winner si Amit mula nang maging miyembro ng national team.

Sasabak  si Amit sa Vietnam sa 8-ball at 9-ball na kanyang nadominahan sa Singapore at Malaysia.

Naglaro si Amit sa World Billiards Championship sa Shanghai at Chinese Taipei, kasama si Chezka Centeno, gayundin sa marami pang overseas billiards competitions.

Si Amit ay kasama sa priority athletes ng Philippine Sports Commission (PSC). CLYDE MARIANO

Comments are closed.