INAANYAYAHAN ang lahat ng manunulat sa iba’t ibang wika ng bansa gayundin ang mga guro, mag-aaral, at iba pang tagapag-taguyod ng panitikan at malikhaing pagsulat sa IKA-45 PAMBANSANG KONGRESO NG MGA MANUNULAT ng UNYON NG MGA MANUNULAT SA PILIPINAS (UMPIL). Gaganapin sa 27 Abril 2019, ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon sa Silangan Hall ng Cultural Center of the Philippines sa pagtataguyod ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP), Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), at Philippine Soong Ching Ling Foundation (PSCLF).
Susing tagapagsalita si Prof. Felipe Mendoza de Leon na tatalakay sa temang “Panitikan, Galing, at Ginhawa.” Tampok na ta-gapagsalita sa talakayang pangmanunulat sina Noel Pingoy, John Labella, Vim Nadera, Sylvia Claudio, Sooey Valencia, at Michael Carlo Villas.
Pagkakalooban ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, na may tropeong lilok ni Manuel Baldemor, sina Godehardo B. Calleja (Tula sa Bikolnon), Grace D. Chong (Panitikang Pambata sa Ingles), Dinah Roma (Tula sa Ingles), Luna Sicat Cleto (Katha sa Filipino), Alice M. Sun-Cua (Sanaysay sa Ingles), Gina Marissa Tagasa (Dulang Pantelebisyon), Ester Tapia (Tula sa Se-buwano). Pagkakalooban ng Gawad Paz Marquez Benitez si Lilia T. Tio ng University of the Philippines Cebu. Pagkakalooban ng Gawad Pedro Bucaneg ang Bathalan-on Halad sa Dagang, Inc. (Cebu).
Bukas ang aktibidad sa publiko, lalo na sa mga manunulat na ibig maging kasapi ng UMPIL. Magkita-kita po tayong lahat.
Comments are closed.