IKA-LIMANG batch na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba’t ibang bansa ang lumapag kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
May panibagong 1,250 Pinoy Repatriate ang natulungan ng pamahalaan na makauwi.
Binubuo ng ika-limang batch ng mga naturang Pinoy repatriates ang 100 na mula sa UAE sakay ng Philippine Airlines flight PR659 na lumapag kahapon ng umaga sa NAIA- terminal 2.
Bandang alas-11:30 naman dumating ang 300 Pinoy repatriates mula Dammam lulan ng Philippine Airlines flight PR683.
Sinundan ito ng 250 Filipino repatriates din mula Bahrain sakay naman ng Gulf Air flight GF154 na dumating din ng alas-11:30 ng umaga.
Sunod naman ang pang apat na Batch na 300 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi sakay ng Etihad Airlines flight EY424 na lumapag ng alas-2 ng hapon.
Habang 300 Filipino repatriates mula naman sa Jeddah lulan naman ng Saudia Airlines flight SV870 na dumating kagabi dakong alas-9 sa NAIA.
Lahat ng mga OFW ay susunduin ng Bus ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) bago sila dadalhin sa mga quarantine facility na inilaan ng gobyerno. LIZA SORIANO
Comments are closed.