CAMP CRAME-UPANG matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26, 2021, gagamit ng body camera ang mga idedeploy na pulis sa paligid ng Batasan Pambansa at sa mga istratehikong lugar.
Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen Guillermo Eleazar kasunod ng paglulunsad ng unang paggamit ng binili nilang mga body cameras sa iba’t ibang police operations.
Ayon Eleazar nagtakda ng sariling guidelines at naglabas sila ng memorandum circular na siyang magiging batayan sa paggamit ng mga pulis sa body worn cameras.
Isasaapinal ng PNP ang naturang guidelines at pipirmahan ni PNP chief.
Sinabi ni Eleazar welcome din at kanilang i-incorporate ang guidelines na ilalabas ng Supreme Court.
Naniniwala si Eleazar na ngayong gagamit na ang mga pulis ng body cam tiyak siya na mababalik na ang tiwala ng publiko sa mga pulis ngayong may transparency na sa kanilang mga operasyon at maiwasan na ang mga pagdududa sa police operations.
Natugunan na rin ng PNP ang privacy issue sa paggamit ng body cam.
Siniguro ni Eleazar na hindi ito maabuso at hindi mata-tamper ang kuha sa mga body cam.
Noong Hunyo 4 ay ipinakita sa Camp Crame reporters ang actual na paggamit nito sa Police Operation mula sa Taguig Police Station at Police Station 7 sa Cubao, Quezon City.
Pinawi naman ni PMGen. Alfred Corpuz ng Directorate for Operations, ang pangamba na maari itong pakialaman ng mga pulis.
‘Sa oras na ito ay binuksan na tuloy-tuloy na itong naire-record kaya’t hindi maaring i-tamper,” ayon kay Corpus.
Maaari rin itong buksan ng PNP Command Center dahil may kontrol sila sa operation ng mga camera.
May tatlong storage din ang recording nito kaya’t hindi madaling mabura ng kung sino-sino lamang na tatagal ng 60 araw.
Ilan sa mga priority police operations, na gagamitan ng body cams ay ang anti-drug operations, Service of warrant, hostage rescue operation, high risk checkpoint, security operations in implementing court orders at coverage of big events gaya ng SONA at international events na gagawin sa Filipinas.
EUNICE CELARIO
81834 881116If I must say something, then absolutely nothing will stop the chatter within 949842
8918 703098I undoubtedly did not realize that. Learnt something new nowadays! Thanks for that. 905693