IKA-65 SUNOD NA PANALO SA LADY BULLDOGS

UAAP SEASON 81

SINIMULAN ng National University ang kampanya nito para sa five-peat sa pamamagitan ng 79-71 pagbasura sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Inapula ng Lady Bulldogs ang mainit na paghahabol ng Tigresses sa payoff period upang kunin ang kanilang unang panalo sa season, at ang ika-65 sunod sa kabuuan.

Nagbida si Ria Nabalan para sa NU na may 26 points, habang kumana si reigning MVP Jack Danielle Animam ng 16 points, 25 rebounds, 4 blocks at 2 steals.

Hindi nagpatalo si Rhena Itesi sa kanilang match-up ni fellow Congolese Grace Irebu sa kinamadang 11 points, 17 boards at 3 assists, habang si transferee Kaye Pingol ang isa pang Lady Bulldog na nagtala ng double digits na may 10 points.

Nanguna si Tin Ca­pilit para sa UST na may 19 points at 7 rebounds, habang nag-ambag si Irebu ng 12 points, 9 rebounds, 3 blocks at 3 assists.

Sa Blue Eagle Gym, namayani ang Far Eastern University laban sa last season’s runner-up University of the East, 52-34; ginapi ng Ateneo ang Katipunan rival University of the Philippines, 64-60; at binigo ng De La Salle ang coaching debut ni  Ewon Arayi sa Adamson University sa pamamagitan ng 72-57 panalo.

Iskor:

NU (79) – Nabalan 26, Animam 16, Itesi 11, Pingol 10, Del Carmen 6, Camelo 5, Canuto 3, Ceño 2, Fabruada 0, Cacho 0, Goto 0, Bartolo 0, Harada 0, Layug 0, Cac 0.

UST (71) – Capilit 19, Irebu 12, Portillo 11, Tacatac 9, Rivera 8, Gonzales 4, Ferrer 3, Sangalang 2, Aujero 2, Magat 0.

QS:  17-5, 37-34, 58-47, 79-71

Comments are closed.