(Ika-7 sunod na linggo sa gasolina, ika-12 sa diesel) OIL PRICE HIKE AYAW PAPIGIL

petrolyo

TULOY-TULOY ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Caltex, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell na simula ngayong araw ay may dagdag sa presyo ng diesel ng P0.10 kada litro at gasolina ng P0.60 kada litro.

Magpapatupad ang Cleanfuel ng  P0.60 taas-presyo sa kada litro ng gasolina subalit walang paggalaw sa presyo ng diesel.

May bawas naman ang Caltex, Seaoil, at Shell sa presyo ng kerosene ng P0.05 kads litro.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust  alas-4:01 ng hapon.

Ito na ang  ika-7 sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng gasolina at  ika-12 sa diesel.

Noong nakaraang Martes, Hunyo 29, ang mga kompanya ng langis ay nagpatupad ng P1.00 kada litro na dag-dag sa presyo ng gasolina, at P0.65 sa diesel at P0.70 sa kerosene.

Ayon sa  Department of Energy (DOE), magmula noong nakaraang taon, ang presyo ng  gasolina ay tumaas ng P11.75 kada litro, diesel ng P9.90 kada litro, at kerosene ng P8.40 kada litro.

6 thoughts on “(Ika-7 sunod na linggo sa gasolina, ika-12 sa diesel) OIL PRICE HIKE AYAW PAPIGIL”

Comments are closed.