IKA-7 TAON PAGKAMATAY NI DATING DILG SEC. JESSE ROBREDO GINUNITA

JESSE ROBREDO

CAMARINES SUR – BILANG pag-alala sa malagim na pagkamatay ng dating Interior Secretary Jesse Robredo,  nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad sa lungsod ng Naga kahapon.

Alas-9:00 ng umaga nang simulan ang Community Flower offering at presentation of plaque para sa munisipalidad ng Tinambac Camarines Sur.

Tampok din ang pagbubukas ng Jesse’s Portraits Especial Exhibit na pangungunahan ng Salingoy Art Group.

Nagkaroon din ng culminating activity para sa 33rd Foundation Anniversary of Naga City Urban Poor Federation Inc. sa Naga City People’s Hall.

Gaya ng inaasahan, dumalo sa naturang mga aktibidad sina Vice President Leni Robredo, Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel H. Bordado Jr. at Mayor Nelson S. Legacion.

Noong Sabado ay inilunsad ang E- Jeepney at First ever Jessie M. Robredo National Swim Cup.

Agosto 18, 2012 nang bumagsak ang sinasakyang eroplano ng dating kalihim sa karagatan ng Masbate na naging mitsa ng kanyang kamatayan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.