IKA-8 BIGTIME ROLLBACK SA PETROLYO

petrolyo

PINANGUNAHAN ng Phoenix Petroleum ang ika-walong sunod na linggong bigtime rollback sa mga produktong petrolyo.

Epektibo kahapon ng alas-dose ng tanghali, nagtapyas ang Phoenix ng P2 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Inaasahan namang sa Martes ay susunod din sa rollback ang ilan pang kompanya ng langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang panibagong rollback ay bunsod ng sobrang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Comments are closed.