(Ika-8 sunod na linggo sa gasolina, ika-13 sa diesel) TAAS-PRESYO SA PETROLYO TULOY-TULOY

petrolyo

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga petrolyong petrolyo simula ngayong araw.

Ito na ang  ika-8 sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng gasolina at ika-13 sa diesel.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.15, diesel ng P0.60, at kerosene ng P0.65.

Magpapatupad ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Total Philippines Corp. ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibenebenta.

Epektibo ang taas-presyo ngayong alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago sa alas-4:01 ng hapon, at Caltex sa alas-12:01 ng umaga ng kaparehong araw.

Noong Hulyo 6, ang mga kompanya ng langis ay nagpatupad ng P0.10 kada litrong dagdag sa presyo ng diesel at P0.60 kada litro sa gasolina.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), magmula noong nakaraang taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P12.35, diesel ng P10.00, at  kerosene ng P8.35.

2 thoughts on “(Ika-8 sunod na linggo sa gasolina, ika-13 sa diesel) TAAS-PRESYO SA PETROLYO TULOY-TULOY”

  1. 468432 804875You produced some decent points there. I looked on-line towards the problem and discovered most individuals will go along with along along with your internet site. 541421

Comments are closed.