IKA-83 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA ORIENTAL MINDORO

Bong Go

BINUKSAN na sa publiko ang ika-83 Malasakit Center na matatagpuan sa Oriental Mindoro kasabay ng panawagan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na “mag-bayanihan at magmalasakit sa kapwa” lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Mismong si Go ang nagpasinaya sa pinakabagong Malasakit Center sa provincial hospital ng Calapan city sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng isang virtual conference nitong Biyernes.

Ito ang ika-43 na Malasakit Center sa buong Luzon, ika-apat sa MIMAROPA at kauna-unahan sa Oriental Mindoro.

“Bukas na sa wakas ang pinakaunang Malasakit Center sa inyong probinsya. Ito po ang ika-83 sa buong bansa. Matutulungan na rin sa wakas ng opisinang ito ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangang pangkalusugan,”ani Go.

“Zero balance ang target natin dito sa Malasakit Center kaya dapat lamang na hindi na matakot ang ating mga kababayan diyan sa Oriental Mindoro na pumunta sa Oriental Mindoro (Provincial) Hospital para magpacheck-up, at magpagamot dahil tiyak na matutulungan kayo ng Malasakit Center,” dagdag ng senador.

Ang Malasakit Cen­ter ay utak ni Go matapos niyang masaksihan mismo ang kahirapan ng mamamayan na nagkakasakit sa bansa na humingi ng financial assistance sa mga tanggapan ng gobyerno. Dahil sa Malasakit center, pinagsama-sama nito ang lahat ng ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

“Natutunan ko po ito kay Pangulong Duterte nung Mayor pa po siya ng Davao City. Marami pong lumalapit sa kanya sa…City Hall. Nagdadala po ng hospital bills ang mga pasyente. Alam ni Governor ‘yan, alam ng Mayor ‘yan. Lalapit po ‘yan, hawak ‘yung bill, hihingi ng tulong. Alam ninyo, dun ko nakita ‘yung puso ni Mayor Duterte sa mga mahihirap. ‘Yung ibang pasyente po, hindi residente ng Davao City. Ang sinasabi ng COA, bawal daw gamitin ‘yung pera ng Davao City sa mga hindi residente ng Davao City,” ayon kay Go.

“Pinagalitan ako ni Mayor. Kinuha niya ‘yung bill at sabi niya, ‘Bong, kung hindi mo ito matutulungan itong mga kababayan natin na mga taga-Surigao, taga-GenSan City, hindi na ako uupo dito bukas sa City Hall, dahil para sa akin Pilipino rin mga ‘yan. Hindi ko matiis uupo dito at tatanggihan ko lang sila, hindi na ako babalik dito kung tatanggi lang ako’,” dagdag pa nito.

Kaya nang maupo si Pangulong Duterte, dito raw niya naisip na palaganapin ang naturang Center sa buong bansa para mapagaan ang buhay ng mga tao na nagkakasakit PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

6 thoughts on “IKA-83 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA ORIENTAL MINDORO”

  1. 268361 764064For anybody who is interested in enviromentally friendly things, may possibly surprise for you the crooks to maintain in mind that and earn under a holder basically because kind dissolved acquire various liters to important oil to make. day-to-day deal livingsocial discount baltimore washington 267413

  2. 81447 888686Hello my family member! I wish to say that this post is remarkable, excellent written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this . 523522

  3. 165241 177936You created some decent points there. I looked online for the concern and identified most people may go as properly as employing your internet website. 226361

Leave a Reply

Your email address will not be published.