IKA-83 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA ORIENTAL MINDORO

MALASAKIT CENTER

BINUKSAN na sa publiko ang ika-83 Malasakit Center na matatagpuan sa Oriental Mindoro kasabay ng panawagan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na “mag-bayanihan at magmalasakit sa kapwa” lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Mismong si Go ang nagpasinaya sa pinakabagong Malasakit Center sa provincial hospital ng Calapan city sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng isang virtual conference nitong Biyernes. Ito ang ika-43 na Malasakit Center sa buong Luzon, ika-apat sa MIMAROPA at kauna-unahan sa Oriental Mindoro.

“Bukas na sa wakas ang pinakaunang Malasakit Center sa inyong probinsya. Ito po ang ika-83 sa buong bansa. Matutulungan na rin sa wakas ng opisinang ito ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangang pangkalusugan,” Sinabi ni Go.

“Zero balance ang target natin dito sa Malasakit Center kaya dapat lamang na hindi na matakot ang ating mga kababayan diyan sa Oriental Mindoro na pumunta sa Oriental Mindoro (Provincial) Hospital para magpacheck-up, at magpagamot dahil tiyak na matutulungan kayo ng Malasakit Center,” dagdag ng senador.

Ang Malasakit Center ay utak ni Go matapos niyang masaksihan mismo ang kahirapan ng mamamayan na nagkakasakit sa bansa na humingi ng financial assistance sa mga tanggapan ng gobyerno. Dahil sa Malasakit center, pinagsama-sama nito ang lahat ng ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

“Natutunan ko po ito kay Pangulong Duterte nung Mayor pa po siya ng Davao City. Marami pong lumalapit sa kanya sa…City Hall. Nagdadala po ng hospital bills ang mga pasyente. Alam ni Governor ‘yan, alam ng Mayor ‘yan. Lalapit po ‘yan, hawak ‘yung bill, hihingi ng tulong. Alam ninyo, dun ko nakita ‘yung puso ni Mayor Duterte sa mga mahihirap. ‘Yung ibang pasyente po, hindi residente ng Davao City. Ang sinasabi ng COA, bawal daw gamitin ‘yung pera ng Davao City sa mga hindi residente ng Davao City,” ani Go

“Pinagalitan ako ni Mayor. Kinuha niya ‘yung bill at sabi niya, ‘Bong, kung hindi mo ito matutulungan itong mga kababayan natin na mga taga-Surigao, taga-GenSan City, hindi na ako uupo dito bukas sa City Hall, dahil para sa akin Pilipino rin mga ‘yan. Hindi ko matiis uupo dito at tatanggihan ko lang sila, hindi na ako babalik dito kung tatanggi lang ako’,” dagdag pa niya.

Kaya nang maupo si Pangulong Duterte, dito raw niya naisip na palaganapin ang naturang Center sa buong bansa para mapagaan ang buhay ng mga tao na nagkakasakit. PILIPINO Mirror Reportorial Team

9 thoughts on “IKA-83 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA ORIENTAL MINDORO”

  1. 444407 660435This web page is actually a walk-through its the internet you desired with this and didnt know who require to. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 377203

  2. 594663 594194Excellent read, I lately passed this onto a colleague who has been performing slightly research on that. And the man really bought me lunch because I came across it for him smile So allow me to rephrase that: Appreciate your lunch! 780980

  3. 504647 903459You produced some decent points there. I looked on-line for any problem and located most individuals will go in conjunction with together with your internet site. 714079

  4. 818034 963551Some actually wondrous function on behalf with the owner of this website, perfectly great subject material . 899201

  5. 538507 752472Superb read, I just passed this onto a colleague who was performing slightly research on that. And he actually bought me lunch because I found it for him smile So let me rephrase that. 219654

Leave a Reply

Your email address will not be published.