(Ika-9 anibersaryo ng PCAF) AGRI SECTOR TULOY SA PAGSULONG

MAGPAPATULOY ang layunin ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) na himukin ang kanilang sektor para sumulong ang kanilang industriya lalo ang pangisdaan bansa na siyang tema ng ika-9 anibersaryo nito kahapon.

Ang hakbang ng PCAF ay alinsunod sa prinsipyo ng maayos na pamamalakad sa agrikultura at pangakong mapalakas ang paglahok sa pamamalakad, pagsulong sa maging tapat at pamamagitan maging ang check and balance na tema ng anibersaryo.

“PCAF, together with the Agricultural and Fishery Councils at the national and regional levels, has really been a vital instrument in rolling out various Department of Agriculture (DA) initiatives,” ayon Kay DA Secretary William Dar.

Pinuri rin ni Dar ang naging role ng PCAF sa accreditation at mobilization sa Civil Society Organizations.

Aniya, ang CSOs ay katuwang ng DA para matiyak na epektibo at tama ang implementasyon ng food security thrusts, increase food sufficiency, additional budget support, at faster adoption ng modern technology sa agriculture sector.

“As part of our 9th anniversary celebration, PCAF hosted the first National DA CSO Summit to heighten the significance of CSOs towards the achievement of Masaganang Ani at Mataas na Kita,” ayon Kay OIC Executive Director Liza G. Battad

Ang weeklong anniversary celebration ay sinimulan kung saan kaakibat ng exhibit ng old photos ng mga dating employee and officials ng dating National Agricultural and Fishery Council and
Livestock Development Council, dating pangalan ng PCAF.

Kasama rin sa showcase ang accomplishments ng PCAF sa loob ng siyam na taon.
EUNICE CELARIO