NAGPATUPAD ng buena manong big time roll back ang Phoenix Petroleum kahapon.
Epektibo kahapon alas-12 ng hatinggabi, nagtapyas ng Phoenix ng P1.10 sa kada litro ng kanilang gasolina at P2.25 naman ang bawas sa kanilang diesel.
Inaasahan namang susunod na ring mag-aanunsiyo ngayong weekend ang iba pang kumpanya ng langis.
Ito na ang ika-pitong linggong sunod na roll back sa mga produktong petrolyo.
ILANG GASOLINAHAN NAGTAPYAS NA SA DIESEL
SAMANTALA, tulad ng inaasahan, nagbubunyi ang mga motorista dahil sa malaking rollback ng gas sa ika-7 sunod na linggo.
Narito ang rollback ng Phoenix Petroleum
Diesel → P2.20/litro; Gasolina → P1.10/litro.
Inaasahang susunod na ano mang oras ang iba pang kompanya ng langis.
Batay sa kalakalan sa world market, umabot ng P2.30 hanggang P2.40 kada litro ang ibinaba ng presyo ng imported diesel.
Nasa P1.20 hanggang P1.25 naman kada litro ang tapyas sa presyo ng imported gasoline.
Pati ang kerosene ay mahigit P2 din ang ibinagsak.
Mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 24, papalo na sa lagpas P10 ang kabuuang rollback sa gasolina at lagpas P8 naman sa diesel.
Kabuuang rollback sa loob ng 7 linggo: Gasolina → P10.05-P10.20/litro; Diesel → P8.35-P8.45/litro.
Comments are closed.