IKAAPAT NA LINDOL SA MINDANAO SUMENTRO SA SARANGANI

Lindol

MULI na namang nilindol ang Mindanao kahapon at batay sa Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) naitala ang magnitude 5.5 na lindol sa Sarangani at Davao Occidental alas-10:30 ng umaga.

Natunton ang epicenter nito sa sa layong 334 kilometers south east ng Sarangani at tectonic ang origin.

Magugunitang ang pagyanig kahapon ay ikaapat nang beses sa Mindanao at ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 16 na ang namamatay habang nasa 403 ang sugatan at dalawa pa ang nawawala sa Davao Del Sur.

Kasunod ng panibagong lindol na tumama sa area ng Mndanao nitong Biyernes ay pinayuhan ng Office of Civil Defense ang mga residente na niyanig ng lindol na manatili muna sa open spaces o designated evacuation centers dahil possible pa rin ang mga malakas na pagyanig.

Ayon sa NDRRMC, sa nasabing bilang 13 ay nasawi sa Region 12 at 3 sa Region 11.

Kinilala ng NDRRMC ang mga sumusunod na nasawi na sina Samuel Linao Andy; Renee Corpuz; Marichelle Morla;  Patricio Lumayon; Pao Zailon Abdulah; Isidro Gomez; Cesar Bangot; Romel Galicia; Precilla Verona; Juve Gabriel Jauod at Tessie Alcayde.

Sa South Cotabato ang mga nasawi ay si Nestor Narciso;  sa Davao del Sur, ang mga nasawin ay sina Jessie Riel Parba,  Benita B. Saban, Romulo Naraga; sa Sulan Kudarat, namatay si  Lito Peles Mino.

“People are not allowed to go back to buildings. What we’re trying to avoid at this time is the occurrence wherein there are people in that structure and another earthquake hits and the building collapses on them,” pahayag ni  Mark Timbal, NDRRMC Spokesman.

Ayon kay Timbal kadalasan ang nangyayari ay ang mga taong bumalik sa kanilang mga tahanan ay madalas na naiipit sa sakuna.

Tuloy tuloy ang ginagawang pagpapadala ng tulong ng DSWD at maging ang Philippine National Red Cross na naghahatid ng pagkain relief goods partilular na ng kumot at mga tents. VERLIN RUIZ

Comments are closed.