(Ikakasa ng CSC sa Set. 2-6) NATIONWIDE JOB FAIR

MAGSASAGAWA ang Civil Service Commission (CSC) ng nationwide job fair mula Setyembre 2 hanggang 6, 2024.

Ito ay bahagi ng paggunita sa124th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ng ahensiya.

Ang onsite job fair ay magbibigay sa mga indibidwal na nais magkaroon ng career sa public sector ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga recruiter, maghain ng aplikasyon at magsumite ng requirements sa mga piling ahensiya ng pamahalaan.

“The PCSA is a celebration not only of the CSC but also of all the government agencies and the 1.9 million civil servants across the nation. Through the 2024 Government Job Fair, we are opening doors to a new batch of dedicated individuals who are eager to serve the public, ensuring that we continue to attract passionate talent committed to making a positive impact in our communities and upholding the values of good governance,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.

Ang job fair ay lalahukan ng national government agencies, local government units, state and local universities and colleges, gayundin ng government-owned and controlled corporations.

Ang event ay idaraos sa iba’t ibang malls at civic centers.

Hinikayat ni Nograles ang mga interesado at qualified applicants ns lumahok sa job fair.

“This year’s job fair will be held during the first week of the PCSA celebration, dubbed Linggo ng Lingkod Bayani, highlighting the vital contributions of an effective civil service to national development. We eagerly anticipate the participation of government offices and the public as we work together to strengthen our civil service,” aniya.

Ang mga interesadong jobseeker ay maaaring bumisita sa PCSA microsite para sa listahan ng recruiting government agencies.