(Ikakasa ng DOLE sa Labor Day) JOB FAIR KADA PROBINSYA

INANUNSIYO ni Secretary Bienvenido E. Laguesma na mas ilalapit ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang job fairs at Kadiwa ng Pangulo sa Filipino workers at job seekers sa pagdiriwang ng ika-122 Labor Day sa Mayo 1.

Sa pagkakaroon ng kahit isang job fair at Kadiwa kada lalawigan, mas maraming Filipino workers at jobseekers, at maging consumers ang magkakaroon ng access sa employment opportunities at abot-kayang mga produkto.

Ang mga job seeker ay maaaring bumisita sa alinman sa 96 job fair sites sa lahat ng rehiyon kung saan 1,901 participating employers ang mag-aalok ng 154,470 trabaho.

Ang mga bakanteng trabaho ngayong taon ay production workers, customer service representatives, cashiers, baggers, sales clerks, laborers, carpenters, painters, microfinance officers, financial advisers, service crew, cooks, waiters, truck drivers, nurses, property consultants, at tutors.

Hinihikayat ang mga job seeker na maging handa sa kanilang application requirements, tulad ng resume o curriculum vitae, diploma, transcript of records, atbcertificate of employment para sa mga dating may trabaho.

Samantala, maaari namang magkaroon ng access ang mga Filipino worker at consumer sa abot-kayang mga produkto mula sa 1,015 enterprises at 2,414 sellers sa 92 Kadiwa ng Pangulo sites sa buong bansa — ang pinakamalaking Kadiwa sa kasalukuyan.

Ang tema ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong taon ay “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama sa Pag-asenso.”