IGINIIT ng Land Transportation Office (LTO) na dapat sumailalim sa psychological tests ang mga driver na kakaiba ang kilos o kaya’y nasangkot sa anumang insidente.
Ito ay matapos banggain ng isang driver ang isang traffic enforcer dahil sa paninita nito sa Taguig City.
Sa kasalukuyan ay suspendido ang lisensiya ng nasabing driver.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, titiyakin nilang mananagot ang naturang motorista at sisiguraduhing psychologically fit ito bago payagang makapagmaneho ulit.
Dagdag pa ni Chief Mendoza, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa mga psychologist kaugnay ng kanilang planong psychological tests para sa mga driver. DWIZ 882