IKALAWANG AMA AT INA

Bagaman nitong Biyernes o October 5, 2024 pa isinelebra ang World’s Teacher Day, para sa amin ay araw-araw ang pagbibigay pugay sa ating mga guro o kina sir at ma’am.

Dahil sila ang ating ikalawang magulang at limang beses kada ling­go ay nakakasama para turuan ng mga kaalamang sa silid-aralan lamang matutunan.

Hindi nagtatapos sa mga subject ang ang itinuturo ng mga teacher kundi maging sa mabuting asal.

Maging ang pakikisalamuha sa kapwa ay itinuturo ng mga guro dahil may mga kasamang ibang bata sa loob ng classroom at kung paano ang good communication at good relations.

Ang emotional quotient, attitude, at kasanayan, ay naituturo sa mga bata sa loob ng silid-aralan at kahit hands-on ang mga magulang sa kanilang anak, iba  rin ang turo ng mga guro.

Hindi kumpleto ang personal package ng isang bata hanggang maging mature kung hindi nagaba­yan ng mga guro.

Kaya sila ang ating ikalawang ama at ina.

Hindi lamang sa matataas na grades, kundi pagmamahal ng mga guro sa kanilang mga estudyante.

Kaya ang isang batang walang guro, ay maituturing na kulang ang kanyang pagkatao.

Ang pagpasok sa eskwela ay ma­gandang ground para sa socialization at pagkabuo ng personalidad ng indibidwal at tuwina naroon ang guro na umaalalay sa kanya.

Kaya, mga ma’am at sir, salamat po sa inyong pagtuturo at pagbuo sa lahat ng inyong estudyante.