BUMISITA ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng Guam, si Lt. Gov. Ray Tenorio, sa Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) Central Office sa lungsod ng Quezon City nitong Martes, Hulyo 17, 2018, para sa isang courtesy call kay INC Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo.
Sinamahan si Lt. Gov. Tenorio ni Special Assistant Alfredo Antolin, na mayroong lahing Filipino, nang kaniyang bisitahin ang Executive Minister noong Martes ng umaga, at nagpahayag ng pasasalamat sa pinuno ng INC para sa kaniyang pamumuno sa Iglesia at sa mga kontribusyon sa pag-unlad ng Guam.
“I really appreciated the time that the Iglesia Ni Cristo and, of course, Ka Eduardo Manalo, and his kind generosity and making time to meet with me,” pahayag ni Tenorio, at binati ang INC leader para sa pagdiriwang ng anibersaryo nito sa Hulyo 27.
“I wanted to thank him for the work that he had done and to congratulate him of course on the 104th anniversary of the Iglesia Ni Cristo,” dagdag pa niya. Ito na ang ikalawang courtesy call ni Lt. Gov. Tenorio sa INC leader.
Ang una ay naganap noong Nobyembre 21 noong nakaraang taon kung saan ipinakita niya kay Brother Eduardo ang isang proclamation mula sa Guam na kumikilala sa mga kontribusyon ng Iglesia sa nasabing isla at sa ibang bahagi ng mundo.
Ang pinakahuling courtesy call nitong Martes ay naganap habang naghahanda ang Iglesia para sa ika-104 anibersaryo at ang ika-50 taon ng mission sa labas ng Filipinas.
“I just wanted to congratulate all the brethren of the Iglesia Ni Cristo on the 104th anniversary of the establishment of the Church and thank them for all the work that they do for their community, and hope that their next 104 years are as progressive and as well done on the establishment of the Church and the foundation of the faith as they have in the first 104 years,” pahayag ng opisyal ng Guam.
Ibinahagi rin ni Lt. Gov. Tenorio kay INC Executive Minister ang pagkilala ng pamahalaan ng Guam sa pamumuno ni Governor Eddie Baza Calvo, para sa mga kontribusyon ng Iglesia sa kanilang isla. Sa kaniyang unang courtesy call kay INC Executive Minister noong Nobyembre, iprinisinta ng nasabing opisyal ang isang framed copy ng Proclamation No. 2017- 60 na nilagdaan ni Guam Governor Eddie Baza Calvo, na nagdedeklara sa Hulyo 27 bilang “Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) Day” sa nasabing taon.
“I met with him (Brother Eduardo) in November and it’s been a number of months, and I wanted to come and thank him again, and thank the Church for the good works that they do for the people of Guam,” pahayag ni Tenorio.
Inaabangan na rin umano ng mga mamamayan ng Guam ang pagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng INC sa nasabing isla sa Marso sa susunod na taon, at idinagdag pa na ngayong Hulyo 27 ay muling maglalabas ng proklamasyon para sa Iglesia Ni Cristo day.
“And I told Ka Eduardo that we are again nominating him to continue as the honorary ambassador for Guam which will be something that we’re hoping to include in the next proclamation on the Iglesia Ni Cristo day,” paliwanag ni Tenorio.
Hinahangaan din niya ang INC congregations sa Guam at sinabing napakabuti, mapagpakumbaba, at modelo sa kanilang komunidad.
Sinabi rin ni Tenorio na sinisikap niyang dumalo sa mga gawain sa Iglesia sa tuwing mayroong paanyaya sa kaniya.
“Oh, they’re amazing! I meet them all the time, and when I’m out in the public, talking to people, they’ll tell me, ‘oh I’m a member of the Iglesia Ni Cristo’, or ‘I saw you at the Church’. They’re very, very kind people and I tell you they’re very humble, and have contributed a lot to the community,” pahayag niya.
“I always go as many times as I can when they reach out in their events,” dagdag pa niya.
Ayon kay Tenorio, mayroong siyang “so many good experiences with the Iglesia Ni Cristo membership” at tinukoy ang pagkakaroon ng disiplina ng mga miyembro ng Iglesia sa kaniyang nasasakupan. Hinahangaan din niya ang Iglesia para sa iba’t ibang socio-civic projects nito para sa maraming komunidad sa Guam, maging ang pananampalataya ng mga miyembro ng INC sa Diyos.
“It’s always nice to see the people reaching out. People really make a big impact on the island, when they reach out to do good things for the citizens, and the people living on the island. They’re really very kind people, I have to tell you. I have really many, so many good experiences with the Iglesia Ni Cristo membership,” pahayag niya.
Sinabi rin ni Tenorio na maraming Filipino ang naninirahan sa Guam at tinitiyak ng pamahalaan na ang mga manggagawang Filipino ay nakatatanggap ng maayos na trabaho at suweldo.
“We have many Filipinos throughout the island. Every village has a great number of Filipinos living there. And we’re very much looking forward to Ka Eduardo and the Iglesia Ni Cristo leadership here in Manila,” pahayag niya kung saan binigyang-diin niya ang pagkakatalaga sa pinuno ng INC bilang special envoy for overseas Filipino concerns ng pamahalaan ng Filipinas.
Noong nakaraang buwan, Hunyo 26, nagkaroon din ng courtesy call ang senate chairman ng Guam para sa committee on health, tourism, military affairs and senior citizens na si Senator Dennis Rodriguez Jr. kay INC Executive Minister kung saan pinasalamatan din niya si Brother Eduardo para sa mga positibong kontribusyon hindi lamang ng Iglesia, kundi ng mga miyembro rin nito sa Guam.
Hinahangaan din ni Senator Rodriguez, na ang mga magulang ay mula sa Filipinas, ang mga aksiyon ng Iglesia na matulungan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng socio-civic, outreach programs, at ang “very spiritual” evangelical missions at worship services.
Sa kasalukuyan ay mayroong libong miyembro ng INC sa Guam na bahagi ng Ecclesiastical District of Marianas Islands. Ang INC sa Guam ay mayroong apat na local congregations: Harmon, Apra Heights, Yigo, at Mangilao.
Isa rin ang Guam sa mahigit 300 sites sa 18 time zones na lumahok sa May 6 Worldwide Walk to Fight Poverty of the INC na nagtala ng bagong Guinness records.
Sa pagdiriwang ng INC ng ika-104 anibersaryo ngayong Hulyo 27, patuloy na lumalawak ang Church membership nito sa buong mundo na kinabibilangan ng halos 133 nationalities. Mayroon na itong 7,000 congregations at missions sa 143 bansa.
Tungkol sa Iglesia Ni Cristo (INC) o Church Of Christ
Ang Iglesia Ni Cristo (INC) o Church Of Christ ay isang global Christian Church na mayroong Bible-based Christian teachings. Mayroon itong halos 7,000 local congregations at missions sa 143 bansa at mga teritoryo (nasa 370 local congregations at missions ang matatagpuan sa US at Canada), habang ang membership ay kinabibilangan ng 133 ethnic groups at nationalities.
Patuloy ang INC sa layunin nito na mapalaganap ang mga salita ng Diyos at maghandog ng tulong sa abot ng makakaya sa pamamagitan ng mga serbisyong nagpapakilala sa education, socio-economic well-being, environmental awareness at health improvement. Isinasagawa ito sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga establisimiyento sa komunidad, sa pamamagitan ng Aid For Humanity Program of the Felix Y. Manalo (FYM) Foundation at ang worldwide volunteer force ng INC Giving Project.
Magpapatuloy rin ang outreach projects ng INC bilang paghahanda sa yearlong celebration para sa ika-50 anibersaryo sa Kanluran – Hulyo 27, 2018. Sa pagdiriwang ng kalahating siglo ng pagmimisyon sa labas ng Filipinas, mananatili ang global humanitarian presence ng Iglesia.
Comments are closed.