IKALIMANG PINOY NA POSITIBO SA COVID-19 NAITALA

Brigido Dulay

PASAY CITY – LIMA na ang Filipino na nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Hong Kong.

Ito ang iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), batay sa natanggap nilang impormasyon  mula sa  opisyal ng Hong Kong.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ang pinakahuling overseas Filipino worker ay asymptomatic at na-test sa COVID-19.

Sa ngayon ay naka-confine na ang pasyente sa quarantine facility sa Hong Kong.

Noong Pebrero, dalawang Pinoy ang na-test na positibo sa virus subalit ayon sa DFA na nakarekober na ang mga ito.

Sinabi ng Consulate General na ang ikatlong Pinoy ay malusog at hindi na nagpapakita ng sintomas.

Ang ikaapat na Filipino naman ay asymptomatic din at kasaluyang nasa quarantine facility. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.