NATAGPUAN na ang bangkay ng ikatlong Filipino fisherman nawawala matapos na mabagsakan ng nag-collapsed na tulay sa Taiwan.
Ito ang inihayag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) kahapon na kung saan ay kinilalang si Romulo Escalicas Jr.
Nitong Miyerkoles, na-recover naman ang labi ng dalawang naunang Filipino na tinukoy naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sina Andree Serencio at Gorge Impang.
Nabatid na may anim na Pinoy ang nasugatan at pinagkalooban ng tulong ng pamahalaan at maging ng Taiwanese president, ha-bang aayudahan naman ng MECO ang pamilya ng mga nasawi na nag-aabang na makapunta sila sa Taiwan para kunin ang bangkay ng mga mahal sa buhay.
Nabatid na nakunan ng CCTV footage biglang pagbagsak ng 140-meter long arch bridge na bumagsak sa tatlong fishing boats at nadamay ang isang petrol tanker habang tumatawid sa ilalim ng bumagsak na tulay.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Director for Administration Gerry de Belen, hindi pa rin batid kung ano ang naging sanhi ng pag-collapsed ng tulay.
Nabatid na ang ginawang 460-feet Nanfangao Bridge ay tinatawag ding “lover’s bridge” na nasa Nan-fangao harbor sa bayan ng Suao sa Yilan County nuong taong 1998. VERLIN RUIZ
Comments are closed.