IKATLONG ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO NGAYONG LINGGO

PETROLYO-17

PANIBAGONG rollback sa presyo ng la­ngis ang sasalubong sa mga motorista simula ngayong Martes, na ikatlong sunod na linggo na pagbaba ng produkto ng petrolyo.

Sa isang abiso, sinabi ng SEAOIL Philippines Inc. na magkakaroon sila ng rollback sa presyo ng gasolina ng 10 sentimo bawat litro, diesel ng 25 sentimo at kerosene ng 10 sentimo.

Pahayag ng Petro Gazz na magpapatupad sila ng kaparehong pagbabago, maliban sa kerosene na hindi nila dinadala.

Magiging epektibo ang rollback ng presyo ng 6AM ngayong Martes, Nobyembre  5.

Nakatakdang mag-anunsiyo ang ibang kompanya ng langis anumang oras.

Ayon sa huling datos ng Department of Energy (DOE), ng Oktubre 15, ang year-to-date adjustments ay nasa net increase ng P5.86 bawat litro para sa gasolina, P4.12 para sa  diesel, at P1.21 para sa kerosene.