Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – San Beda vs Letran
MAGTUTUOS ang San Beda at Letran sa huling pagkakataon sa NCAA men’s basketball championship sa harap ng inaasahang SRO crowd ngayon sa Mall of Asia Arena.
Ang inaasahang magaan na panalo para sa four-peat seeking Red Lions ay hindi nangyari nang matikas na makihamok ang Knights sa serye.
Kinuha ng Letran ang Game 1, 65-64, bago napalawig ng San Beda ang kanilang dominasyon sa pamamagitan ng series-tying 79-76 victory na nagsaayos sa 4 p.m. rubber match.
Target ng Lions ang record 23rd crown habang sisikapin ng Knights na itaas ang championship banner No. 18.
Ito ang ika-4 na pagkakataon na umabot sa decider ang San Beda-Letran Finals series.
Namayani ang Lions sa deciding games noong 2012 at 2013, habang nangibabaw ang Knights noong 2015 sa classic Game 3 na nauwi sa over-time.
Naging bayani si newly-crowned MVP Calvin Oftana sa Game 2 makaraang makumpleto niya ang three-point play upang bigyan ang San Beda ng 77-76 kalamangan, may 19.1 segundo sa orasan.
Tinangka ng Letran na makumpleto ang isa pang storybook season, subalit sumablay si Bonbon Batiller sa potential championship-clinching lay-up habang paubos ang oras.
Matapos ang morale-boosting win, umaasa si coach Boyet Fernandez na magiging sandigan ito ng kanyang tropa sa no-tomorrow match na ito.
“I hope we sustain this one. Playing a tough team like Letran that will be hard for us but again I do thank my players, thank the Lord for this,” ani Fernandez.
Nakakuha ng malaking break ang Lions sa huling bahagi ng sagupaan nang pulikatin si Fran Yu, na kuminang sa semifinals at sa championship round.
Inaasahang mas maganda na ang kondisyon ni Yu upang tulungan ang Letran na mabawi ang korona.
“No one really expected us to be here and go toe-to-toe with them and also give them their first loss after 32 victories,” wika ni Knights coach Bonnie Tan.
Comments are closed.