IKIGAI: the reason for being

Leanne Sphere

Ikigai. Japanese concept na ang ibig sabihin ay ‘reason for being. Ang ibig sabihin ng ‘iki’ ay buhay at ang ‘gai’ naman ay halaga o value o worth. Ikigai ang dahilan mo upang mabuhay o ang pagkakaroon ng bliss. Ito yung bagay na hinahanap mo sa mundo na hindi matagpuan ng iba. Ito ang dahilan ng paggising mo s aumaga, kahit pa madalas na gusto mong itapon ang alarm clock mo.

May apat na elements ang Ikigai. Kung ano ang gusto mo, kung saan ka mahusay, kung ano ang kailangan ng mundo, at bagay na pagkakakitaan mo. Kahit ano, pwedeng maging ikigai ng isang tao. Pwedeng passion, pangarap, misyon, at kung anu-ano pang dahilan. Binbigyan ka nito ng dahilan para magkaroon ng purpose sa buhay. Ay para maabot ito, may 10 rules: 1. Dapat, lagi kang aktibo. 2. Huwag kang susuko. 3. Dapat, take it slow. 4. Be healthy. 5. Live in the moment.6. Kumunekta ka sa kalikasan. 7. Ngumiti palagi. 8. Pumili ka ng mabubuting kaibigan. 9.

Magpasalamat sa Diyos sa kung ano ang meron ka. At 10. Follow your star. Ang star mo ay ang iyong ikigai.

Ang ikigai ay ang iyong motivating force, na nagbibigay sa’yo ng sense of purpose or a reason for living. Ito yung nagbibigay ng fulfilment at dahilan para mas makilala mo ang iyong sarili pati na ang iyong mga priorities. Makikita mo ang Ikigai sa pinakamaliit na daily rituals at sa pinakamalaking bahagi ng iyong buhay tulad ng iyong trabaho.

Wala itong kinalaman sa estado mo sa sosyedad, o sa laki ng kinikita mo. Bawat Ikigai ng tao ay kakaiba, base sa iyong personal history, values mo, paniniwala mo, libangan mo at personalidad mo.

Sa huli, dapat ay alam nating hiram lamang ang buhay natin. Mahaba man ito o maikli, ang mahalaga, nagawa natin ang best para dito. Basta! Piliin mong maging masaya. Libutin mo ag mundo. Huwag kang paalipin sap era. At piliin mong maging mabuting tao, para pagharap mo kay Lord, masasabi mong: “Okay lang po. I made the most of my borrowed life. Naging mabuti po akong tao at hindi nanlamang sa kapwa, pero hindi rin po ako nagpalamang.” Yan ang sabi sa akin ng lola ko.