(Ikinakasa na ng DA) VACCINE TRIALS VS ASF

vaccine-asf

KASALUKUYAN nang nakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture (DA) sa Vietnam para sa vaccine trials laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, may bakuna na rin kontra ASF sa Vietnam at nakikipag-ugnayan na sila sa bansa para magkaroon din ng trial dito sa Filipinas.

“Ang UK [United Kingdom] din na last year pa, nagpapasabi tayo na kung available na ito ay mag-trial din tayo sa bansa at ganoon din sa Vietnam. We are now touching base with the Ministry of Agriculture and Food sa Vietnam para agad-agad ay mai-trial at magamit na yung bakuna para sa ASF,” sabi ng kalihim.

Ang kakulangan ng suplay ng baboy bunga ng pagtama ng ASF sa bansa ang itinuturong dahilan ng pagsipa ng presyo ng baboy sa ilang pamilihan.

Ayon kay Dar, nasa 500,000 na ang kinatay na baboy dahil sa ASF at pinakaapektado rito ang mga backyard hog raisers.

Samantala, sinabi ni Dar na natapos na ang paggawa ng rapid test kits para sa ASF sa Central Luzon State University at simula sa susunod na buwan ay magma-mass produce na ang ahensiya.

“Ito ay gagamitin na, itong February we will be mass-producing it at gagamitin doon sa monitoring and surveillance kahit wala pang sakit ay ito na ‘yung mag-pool testing at mas makikinabang ang hog raisers para dito sa rapid test kit,” aniya.

Comments are closed.