Ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, pinag-aaralan pa nila ang mga petisyon para sa price hikes mula sa mga manufacturer pero hindi lahat ng commodities ay maaaring magpatupad ng taas-presyo.
Ito, aniya, ay upang mayroon pa ring mapagpilian ang mga consumer.
Kabilang sa mga inaasahang magkakaroon ng minimal price hike ang tinapay, de latang isda, bottled water, processed milk, instant noodles, kape, asin, sabong panlaba, kandila, harina; processed at canned meat, processed at canned beef, suka, patis, toyo, toilet soap at baterya.