(Ikinakasa ng DA, DOE) FUEL SUBSIDY SA FARMERS, FISHERMEN

William Dar

INIHAHANDA  na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Energy (DOE) ang fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka.

Ayon kay DA Secretary William Dar, inaasahan nilang matatapos ang guidelines ngayong linggo para agad itong maipatupad.

Ani Dar, malaking tulong sa mga magsasaka at mangingisda ang fuel subsidy dahil malaking bahagi ng halaga ng kanilang produksiyon ang petrolyo.

“Mayroon  kaming pina-finalize na arrangement na tutulong din ang pribadong sektor dito sa mga mangingisda kasi pumupunta sila sa open seas, so, ito ay mataas na parte sa cost of production, maganda po ang ugnayan lahat ngayon,” pahayag ni Dar sa panayam ng Ratsada Balita.

Comments are closed.