(Ikinakasa ng DMW) AYUDA SA OFWs NAAPEKTADO NG VISA BAN SA KUWAIT

NANGAKO ang Department of Migrant Workers (DMW) ng tulong para sa overseas Filipino workers at iba pang manggagawa na nababahala sa ibang bansa na apektado ng visa suspension sa Kuwait.

Nabatid na may kabuuang 815 OFWs ang pupunta sana sa Kuwait ngunit biglang napigilan dahil sa sus- pensiyon ng visa.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Kuwait para malaman kung paano nito malulutas ang isyu.

Samantala, sinabi ng DMW na patuloy nilang iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang OFW sa Hongkong, na nakitang naglilinis ng mga bintana ng kanyang amo nang mahulog ito.

Nagtutulungan na rin ang Hong Kong government at DMW para sa pagpapauwi ng mga labi ng biktima
sa Pilipinas.

Bukod dito, tinitingnan din ng DMW ang mga OFW na naapektuhan ng krisis sa Sudan. Hindi bababa sa 540 Pilipino ang naiuwi sa tulong ng Egyptian government.

-DWIZ 882