(Ikinakasa ng DOLE)AYUDA SA FISHING BAN-AFFECTED WORKERS

FISHING BAN-2

NAKAHANDA ang pamahalaan na magkaloob ng emergency employment sa mga manggagawa na maaapektuhan ng annual closed fishing season sa Region 9 (Zamboanga Peninsula), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Lawyer Roy Buenafe, ang DOLE-Region 9 chief, na naglaan ang ahensiya ng P10 million para sa mga apektadong empleyado ng fishing at canning sector, na pagkakalooban ng emergency employment assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

“This coming December 1 until February of next year, we will observe a closed fishing season. It will affect approximately 35,000 workers,” sabi ni Buenafe sa Laging Handa briefing.

“We will provide assistance and this is (in the form of) emergency employment. They will have a salary for 15 days, (and) they will work in the farm,” dagdag pa niya.

Idinagdag ni Buenafe na magmula nang ilunsad ang TUPAD para sa closed fishing season ay nakapagbigay na sila ng tulong sa 4,000 manggagawa noong 2020 at 2021.

Ang annual three-month Closed-Season for the Conservation of Sardines sa East Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibuguey Bay ay unang ipinatupad noong 2011, at pinalakas noong 2014 sa pag-iisyu ng Circular No. 255 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Base sa circular, suspendido ang sardine fishing sa tatlong water bodies kada taon mula December 1 hanggang March 1 ng susunod na taon para bigyang-daan ang pagpaparami at pagpapalaki ng Sardinella fish species.

PNA