ISANG malawakang mall sale ang ikinakasa ng Department of Tourism (DOT) sa bansa sa taong 2020.
Sa isang forum sa Maynila, kinumpirma ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang “Philippine Fun Sale” ay idaraos sa Marso.
Paliwanag niya, ang Philippine Fun Sale ay isang nationwide mall sale at hindi limitado sa Metro Manila lamang.
Ayon sa kalihim, nakipagsanib-puwersa ang DOT sa iba’t ibang malalaking malls sa bansa, para maisakatuparan ang Philippine Fun Sale.
Layunin umano ng proyekto na mahikayat ang mga dayuhan na turista na bisitahin ang Filipinas.
Tiyak din aniyang maging ang mga local tourist din ay matutuwa sa pakulo ng DOT.
Sa ngayon, sinabi ni Puyat na pinaplantsa pa nila ang mga kailangan para sa nationwide mall sale, kabilang na kung ilang porsiyento ang ipatutupad na sale sa mga produkto.
Anang kalihim, maging ang magiging isyu sa traffic sa panahon ng mall sale ay maaaring pag-usapan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.