(Ikinakasa ng FDA, BIR) BAWAS-PRESYO SA GAMOT NG SENIORS

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Food and Drug Administration (FDA) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para  mapababa ang presyo ng mga gamot ng senior citizens sa pamamagitan ng exemption sa value-added tax (VAT).

Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, ang exemption ng VAT coverage ay magiging sa pamamagitan ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) o Republic Act (RA) No. 11534.

“Basically, the exemption for VAT is through a law – iyong (the) CREATE Law. So, those medicines have been declared by the FDA, endorsed to the BIR para matanggal or mawala iyong kanilang (to remove) VAT,” wika ni  Zacate.

Ang RA 11534 ay nagkakaloob ng VAT exemption sa ilang gamot para sa hypertension, cancer, mental illnesses, tuberculosis, kidney diseases, diabetes, high cholesterol, gayundin sa COVID-19 drugs at  medical devices.

Alinsunod sa CREATE law,  sinabi ni Zacate na inatasan ang FDA na tukuyin at isumite ang listahan ng  approved medicines para sa VAT exemption sa ibang implementing agencies, tulad ng BIR.

“Basically…we only endorse it to the BIR kasi kami po iyong nagdi-determine kung ano, para saan talaga iyong gamot. So, FDA ang magsasabi, kung papaano iyong mekanismo, kung paano tatanggalin iyong gamot. So, it’s a joint process po of the FDA and the BIR,” aniya.

Noong nakaraang buwan ay inatasan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang FDA na magpatupad ng 20 percent discount at VAT exemption para sa senior citizens sa ilalim ng RA 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

(PNA)