(Ikinakasa ng PH) FREE TRADE TALKS SA U.S.

Ramon Lopez

BINUHAY ng Pilipinas ang plano nitong simulan ang free trade negotiations sa United States kasabay ng inaasahang pag-renew sa duty-free privileges para sa Filipino-made goods, ayon kay Trade Secretary Ramon.

“We’ve been wanting really to start the discussion because as you know right now, it’s the Philippines enjoying really good GSP [Generalized System of Preferences] program with the United States,” sabi ni Lopez sa virtual briefing ng economic managers sa Philippine Embassy sa Washington, U.S. Department of State, at ilang American investors.

“Certainly, it’s a good program that’s been a big help to marginalized sectors in the country,” ani Lopez.

Sa kabila ng pagiging isa sa top trading partners ng Pilipinas, ang Washington ay walang umiiral na  bilateral trade pact sa Manila.

Subalit ang Philippine exports sa U.S. ay dating nagtatamasa ng duty-free treatment sa ilalim ng tinatawag na Generalized System of Preferences (GSP) hanggang sa mapaso ang pribilehiyo noong December 2020.

Sinabi ni Lopez na inaasahan niyang maseselyuhan ang  renewal ngayong taon at maiaangat ito sa mas malawak na free trade agreement (FTA) “so that it becomes a more longer lasting kind of trade arrangement.”

Binigyang-diin ng DTI chief na ang naturang kasunduan ay higit na magpapalakas sa Philippine products tulad ng canned tuna, seaweed at coconut.