(Ikinakasa ng PH, Qatar) US$500-M INTEGRATED DAIRY PROJECT

william dar

NAKIPAGPARTNER ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Trade and Industry (DTI), sa Baladna Qatar Public Shareholding Company (QPSC) para sa pagtatayo ng US$500-million integrated dairy facility sa bansa.

“The DA, through the National Dairy Authority (NDA), fully support and welcome this new initiative as this will help jumpstart catalytic investments in the Philippine dairy industry to contribute to food security, local milk production and processing leading to agri-industrial development,” pahayag ni DA Secretary William Dar na dumalo sa isang event, kasama sina DTI Secretary Ramon Lopez at Baladna independent board member Aidan Tynan, noong February 11, 2022 sa Dubai, UAE.

Sa kanyang presentation ay iniulat ng DA chief na karamihan sa annual dairy requirement ng bansa ay sinusuplay ng importers at processors, dahil ang Pilipinas ay malaking importer ng dairy products, partikular ang milk powder.

Ayon kay Dar, noong 2020, ang Philippine dairy industry ay nagtala ng pagtaas sa local milk production at pagbaba sa imports at exports ng milk at dairy products. Ang local milk production ay umabot sa 26.71 million liters, tumaas ng 9.5 percent mula sa 24.38 million liters noong 2019.

Ang Baladna QPSC ay nasa paghahayupan at produksiyon ng dairy products, kabilang ang gatas, yogurt, keso, labneh, cream, dessert, juices, gayundin ang animal fertilizers.

Ang kompanya ang pinakamalaking locally-owned food at dairy producer sa Qatar, na nagsusuplay ng mahigit sa 95 percent ng fresh dairy products ng bansa.

Ang Baladna ay nagpahayag ng interes na magtayo ng isang large-scale at fully integrated dairy facility sa Pilipinas.

“The project will significantly increase local milk production by 120 million liters from the current milk production of 26.71 million liters. This will be bringing the Philippines’ total milk production to 146.71 million liters, thus contributing to addressing the local demand of 2,927.04 million liters, of which bulk is imported,” ayon sa DA.

“The investments will be able to generate 2,000 new jobs during the initial phase of its first full year of operations, providing significant opportunities for domestic employment.”