(Ikinasa ng Chinese e-vehicle firm)P25-BILYONG INVESTMENT SA PINAS

electric vehicles

TARGET ng isang Chinese company na maglunsad ng tatlong electric vehicle projects sa bansa na nagkakahalaga ng P25 billion, ayon kay Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo.

Hindi pinangalanan ni Rodolfo ang kompanya ngunit sinabing ang mga proyekto nito ay may kinalaman sa pagtatayo ng charging stations, pagpapaupa ng electric vehicles, at pagpapatakbo ng TNVS (transport network vehicle service).

Ayon kay Rodolfo, magtatayo ito ng 1,000 electric vehicle charging stations at magpapasok ng 20,000 electric vehicles sa bansa para sa leasing tvTNVS operations.

“They want to create an electric vehicle ecosystem here,” sabi ni Rodolfo, na siya ring Board of Investments (BOI) managing head.

Ang Executive Order No. 12 na nag-aalis ng taripa sa imported e-vehicles at nagbababa ng taripa sa e-vehicle parts at components sa loob ng limang taon ay isang welcome policy para sa Chinese company.

“The projects are qualified for fiscal incentives under the Tier II of the Strategic Investment Priority Plan, which gives tax perks on investments in energy efficiency and establishment and operation of e-vehicle infrastructure like charging stations,” paliwanag ni Rodolfo.

Samantala, isa pang Chinese e-vehicle manufacturer ang naghahanap ng lugar sa bansa para sa assembly plant nito.

Aniya, ang kompanya ay ang pinakamalaking e-vehicle assembler sa mundo.

Binigyang-diin ni Rodolfo na ang investments ng Chinese e-vehicle firms ay resulta ng pagbisita ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa China kamakailan.

PNA