INILUNSAD ng Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ang credit at financing facility nito para sa out-of-school youth (OSY) program.
Binigyang-diin ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban kung paano kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa agricultural at fisheries development ng bansa.
Ang bagong ACPC program, bukod sa Young Farmers Challenge ng DA, ay hihimok sa mas maraming kabataan na mag-invest sa agriculture sector
“Tulungan natin ang mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan,” aniya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang paniniwala na ang positibong pagbabago sa bansa ay nagsisimula sa mga kabataan.
“Through the ACPC credit facility, interested OSY who are willing to undertake livestock raising business will be able to loan up to P200,000 to finance three cattle fatteners. To ensure project sustainability, the OSY-borrowers are also required to undergo training in cattle raising.”
Ang DA-ACPC ay nakipagpartner sa rural cooperative banks upang magsilbing channels ng direct loans sa eligible OSY borrowers.
Ang iba pang partners ay ang Bureau of Animal Industry (BAI), Agricultural Guarantee Fund Pool (AGFP), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), at Ilocos Norte local government unit.
Ang credit program para sa OSY ay ilulunsad din sa iba pang priority provinces, kabilang ang Rizal, Bohol, Leyte, Surigao del Norte, at Tawi-Tawi.