IPINAG-UTOS kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatuloy ng nationwide inspection sa mga establisimiyento.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 11, Series of 2022, ang routine, complaint, at special inspections, gayundin ang occupational safety at health standards investigation, ay maaaring isagawa hanggang Dec. 31 “unless earlier revoked.”
May kabuuang 500 labor inspectors at 126 technical safety inspectors ang awtorisadong magpatuloy ng survey.
Inatasan din ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang regional directors ng DOLE na mag-isyu ng kaukulang authority para sa inspeksiyon at imbestigasyon ng workplaces.
Nasa 115 regional office personnel ang naatasang umaktong sheriffs, “who will take charge in the enforcement of issued writs of execution, implementation of decisions, and performance of final orders.”
Iginiit ni Bello na tanging 485 designated hearing officers ang magsasagawa ng mandatory conferences para sa mga may nakitang paglabag, partikular sa general labor and health standards, occupational safety, atvcontracting o subcontracting rules.
Noong December 2021, inatasan ni Bello regional directors ng DOLE ng suspendihin ang pag-iinspeksiyon para i-dispose ang nakabimbing labor standards cases at ihanda ang inspection program para sa 2022.
Ayon sa DOLE, nasa 90,327 establishments na may 3.7 million workers ang ininspeksiyon noong nakaraang taon.